This study aims to document and analyze the folk tales in the municipality of Libjo, Dinagat Island. The researcher seeks to collect folk tales from various barangays in the town to discover terms that symbolize two types of culture: material and non-material. The lessons learned from these tales may be linked to the Department of Education’s curriculum, especially in the context of local culture.The researcher employed qualitative methods, particularly content analysis and historical analysis, to thoroughly examine the beliefs, traditions, and customs embedded in the folk tales. Of the sixteen (16) barangays in Libjo, thirteen (13) were found to have folk tales, with two (2) barangays possessing three (3) tales each. Among the collected stories are "Liboo," "Kaliring," and "Banderitas" from Barangay Albor; "Biyayang Anak" and "Bangka" from Barangay Arellano; "Hawak Kamay" and "Buhay na Batis" from Barangay Bayanihan; "Busilak na Puso" from Barangay Doña Helen; "Ubogon" from Barangay Llamera; "Damong Ga-as" from Barangay Garcia; and "Maliit na Amerika" from Barangay Magsaysay. These tales are rich in culture and contain lessons that are relevant to the K to 12 educational system. The researcher recommended that the collected stories be published to be part of the teaching and promotion of local culture, and to encourage teachers to create instructional materials based on local literary works. “Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maidokumento at masuri ang mga kwentong bayan sa munisipalidad ng Libjo, Isla ng Dinagat. Layunin ng mananaliksik na makalikom ng mga kwentong bayan mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod upang madiskubre ang mga katawagang sumasagisag sa dalawang uri ng kultura: ang materyal at di-materyal. Ang mga natutunang aral mula sa mga kwentong ito ay maaaring maiugnay sa mga aralin ng Departamento ng Edukasyon, lalo na sa konteksto ng kulturang lokal. Gumamit ang mananaliksik ng kuwalitatibong pamamaraan, partikular ang pagsusuri sa nilalaman (content analysis) at pagsusuring historikal upang masusing pag-aralan ang mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian na bumabalot sa mga kuwentong bayan. Mula sa labing-anim (16) na barangay sa Libjo, labintatlo (13) dito ang may kuwentong bayan, kung saan dalawa (2) sa mga barangay ay nagtataglay ng tatlong (3) kuwento. Kabilang sa mga nalikom na kwento ay ang "Liboo," "Kaliring," at "Banderitas" mula sa Barangay Albor; "Biyayang Anak" at "Bangka" ng Barangay Arellano; "Hawak Kamay" at "Buhay na Batis" ng Barangay Bayanihan; "Busilak na Puso" ng Barangay Doña Helen; "Ubogon" ng Barangay Llamera; "Damong Ga-as" ng Barangay Garcia; at "Maliit na Amerika" ng Barangay Magsaysay. Ang mga kwentong ito ay mayaman sa kultura, at naglalaman ng mga aral na makabuluhan sa konteksto ng K to 12 na sistema ng edukasyon. Ang mga nalikom na kwento ay inirekomenda ng mananaliksik na ilathala, upang maging bahagi ng pagtuturo at pagpapalaganap ng lokal na kultura, at upang hikayatin ang mga guro na lumikha ng mga kagamitang panturo na nakabatay sa mga lokal na akdang pampanitikan.”
Read full abstract