Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kilos sa feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, pati na rin ang kaugnayan nito sa kasarian at antas ng taon. Gamit ang kwantitatibo at deskriptibong-komparatibong metodolohiya, isinagawa ang sarbey sa 147 mag-aaral sa pamamagitan ng stratified random sampling at Likert scale bilang instrumento. Lumabas sa resulta na mataas ang antas ng kanilang kakayahan sa pagkuha, pag-unawa, at paggamit ng feedback, ngunit bahagyang mas mababa ang kakayahan sa pagbibigay ng feedback at pamamahala ng emosyon. Walang pagkakaiba ang feedback literacy batay sa kasarian, ngunit mayroong pagkakaiba naman ayon sa antas ng taon ng mag-aaral. Iminumungkahi ng pag-aaral na isama ang mga pagsasanay, workshop, at seminar sa pagpapahusay ng feedback literacy bilang bahagi ng mga programa para sa mga guro. Sa kabuoan, ang pag-aaral na ito ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa antas ng feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd Major sa Filipino at ang mga salik na nakaaapekto rito. MGA SUSING SALITA: literacy, mag-aaral, kilos sa feedback, kuwantitatibo, deskriptibong-komparatibo, stratified random sampling
Published Version
Talk to us
Join us for a 30 min session where you can share your feedback and ask us any queries you have