Abstract
Ang pananaliksik ay isinagawa sa Sulu State College Luuk Extension sa Panuruang 2023-2024 ukol sa epekto ng maagang pag-aasawa ng mga batang mag-aaral sa nasabing paaralan. Sinuri din nito ang epektong pinagdaraanang karanasan ng mga batang maagang nag-asawa ayon sa iba’t-ibang salik tulad ng emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal, at sosyal. Sinuri din ng pananaliksik na ito kung may kaakibat ba na epekto ang demograpiko ng mga mag-aaral sa karanasan ng mga batang maagang nag-asawa. Ang pananaliksik ay isang quantitative research at ginanap sa Sulu State College Luuk Extension. Sa pamamagitan ng purposive sampling, pumili ang mananaliksik ng mga magiging respondante na nasa edad 14-18 taong gulang. Mayroong 103 na mag-aaral sa Sulu State College Luuk Extension ang napiling maging respondante ng pananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang mga mag-aaral ay nakakaramdam ng positibong emosyon sa kanilang maagang pag-aasawa ngunit sila rin ay nakakaranas ng negatibong mentalidad at espiritwal na pananaw. Sila ay nakakaranas ng hiya, pagsisisi, at kawalan ng tiwala sa sarili dulot na rin sa tingin at pakikitungo ng ibang tao sa kanila. Samakatuwid, nagging positibo ang pananaw ng mga batang magulang sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga anak na masaya, ngunit nakakaramdam pa rin sila ng pangamba na maiuugnay sa pinansyal, sosyal, at espiritwal. Mahalagang bigyang pansin ang kanilang estadong emosyonal, mental, pinansyal, espiritwal, sosyal, at relasyonal. Ang mga salik na ito ay may malaking papel sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay lalo na’t upang masolusyunan ang mga balakid ng maagang pag-aasawa.
Talk to us
Join us for a 30 min session where you can share your feedback and ask us any queries you have
Similar Papers
Disclaimer: All third-party content on this website/platform is and will remain the property of their respective owners and is provided on "as is" basis without any warranties, express or implied. Use of third-party content does not indicate any affiliation, sponsorship with or endorsement by them. Any references to third-party content is to identify the corresponding services and shall be considered fair use under The CopyrightLaw.