Abstract

Kaakibat ng globalisasyon ang pag-unlad at manipestasyon nang hindi matawarang kahalagahan ng teknolohiya. Makikitang malaki ang pagbabagong dulot nito sa aspekto ng edukasyon. Bunga ng impluwensya ng mga karatig bansa, hindi pahuhuli ang bansa sa pagkonsumo sa globalisasyon. Sa kasalukuyang estado ng Filipino, malaki ang maitutulong ng integrasyong ICT upang makilala ang wikang Filipino bilang wikang pangglobal. Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng interaktibong kagamitan at matukoy ang kabisaan nito. Tatawagin itong E-BAKADA, E mula sa elektroniko at BAKADA mula sa ABAKADA. Pananaliksik at Pag-unlad o Research and Development (R&D) ang disenyo ng pag-aaral na ito. Gumamit ng minodipikang tseklist na hango sa Learning Resource Management and Development System para sa balidasyon ng mga gurong eksperto na may karanasan sa pagtuturo ng mga banyagang estudyante at pauna at pangwakas na pagsusulit bilang instrumento sa pagtukoy ng kabisaan ng interaktibong kagamitan para sa mga banyagang estudyante. Maituturing na mabisa at kapaki-pakinabang ang nabuong interaktibong kagamitan sa pagtuturo ng Filipino dahil sa pagtaas ng mean iskor mula sa pauna at pangwakas na pagsusulit na maituturing na makabuluhang pagbabago. Magsisilbi itong gabay sa bawat indibidwal na banyagang estudyante na mahasa ang kanilang kagustuhan at kakayahan sa pagkatuto ng wika at kulturang Filipino. Makatutulong din ito sa mga gurong nagtuturo ng mga banyaga at sa mga estudyante at guro na nagnanais na makatuklas sa panibagong kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya.

Full Text
Published version (Free)

Talk to us

Join us for a 30 min session where you can share your feedback and ask us any queries you have

Schedule a call