Abstract

Bisexuality is a sexual orientation that involves feelings of romance and sexual desire for more than one gender. A narrative qualitative design was used to examine bisexual Filipinos’ stories before and after coming out and their views on the coming out process, including when and how it happens, the challenges they encountered, and how it affects their relationships. Ten (10) young adult bisexual Filipinos (seven bisexual women and three bisexual men) aged 18 to 23 were interviewed. Respondents shared their negative and positive experiences with coming out and how they manage biphobia and bi-invisibility. Findings showed that participants’ relationships changed before and after coming out. They became more comfortable with their families and friends knowing about their sexual identity. In addition, they have a better connection with their “self” as they feel freer and self-aware. Unmet needs such as lack of representation in media, gender and sexuality education to the Filipinos, support from other LGBTQIA + communities, and establishing safe space were also discovered. This study adds to the knowledge of bisexual individuals who encountered biphobia and bi-invisibility while coming out. Mental health professionals and authorities can also use the findings to understand the issue better, meet bisexual people’s needs, plan and create effective programs, and help bisexual Filipinos who have struggled to come out. Ang bisexuality ay itinuturing na isang gender orientation kung saan ang pinipili nilang mahalin o gustushin ay higit pa sa isang kasarian. Gamit ang narrative qualitative design, sinuri ng pag-aaral na ito ang mga kuwentong-buhay ng mga Pilipinong bisekswal bago at matapos nilang matanggap at ipaalam sa iba ang kanilang gender identity. Bukod sa kanilang salaysay sa pagtanggap sa sarili at ng mga nakapaligid sa kanila sa kanilang pagkatao, nilayon din ng pag-aaral na suriin ang mga hamon na kanilang hinarap, at ang mga pagpapasiya patungkol sa kanilang mga relasyon dahil sa kanilang sekswalidad. Sampung (10) kabataang bisekswal na Pilipino (pitong bisexual na kababaihan at tatlong bisexual na kalalakihan) na may edad na 18 hanggang 23 ang naging bahagi ng panayam. Ibinahagi ng mga kalahok ang mga karanasang positibo at negatibo na nakaapekto sa kanilang pagkatao, pati na rin ang biphobia at bi-invisibility na kanilang naranasan. Ibinahagi rin ng mga kalahok ang pagbabago sa kanilang relasyon matapos maibahagi sa iba ang kanilang pagiging bisexual. Ang mga pagbabagong ito ay naging daan upang higit na maging bukas sa kanilang mga pamilya at kaibigan, mapagtibay ang relasyon sa kanilang mga sarili, at makaramdam ng kalayaan at kamalayan sa kanilang sekswalidad. Binigyang diin rin ang mga pangangailangan upang higit silang maunawaan tulad ng, sapat na representasyon sa midya, edukasyon sa kasarian at sekswalidad para sa mga Pilipino, suporta mula sa ibang komunidad ng mga LGBTQIA+, at ang pakiramdam na ligtas sila saan man sila pumunta. Pinag-aralan din kung paano makakapagdagdag sa kaalaman ang mga konsepto patungkol sa mga bisekswal na indibidwal na nakaranas ng biphobia at bi-invisibility habang ibinabahagi sa iba ang kanilang pagiging bisexual. Maaari ring gamitin ng mga propesyonal sa mental health at mga awtoridad ang mga natuklasan upang mas maunawaan ang isyu, matugunan ang mga pangangailangan ng mga bisekswal na tao, makalikha ng mabisang programa, at tulungan ang mga bisekswal na Pilipino na nagkakaroon ng agam-agam sa pagiging totoo sa kanilang sekswalidad.

Full Text
Paper version not known

Talk to us

Join us for a 30 min session where you can share your feedback and ask us any queries you have

Schedule a call

Disclaimer: All third-party content on this website/platform is and will remain the property of their respective owners and is provided on "as is" basis without any warranties, express or implied. Use of third-party content does not indicate any affiliation, sponsorship with or endorsement by them. Any references to third-party content is to identify the corresponding services and shall be considered fair use under The CopyrightLaw.